Thursday, 30 March 2017

"Ang Aking Munting Buhay"



          Ipinanganak ako noong ika-12 ng Nobyembre taong 1999, 3:40 ng umaga sa Memorial Hospital, ako ay may bigat na 3,600grams. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Si Mama ay 19 na taong gulang palang noong ako ay kanyang ipinanganak.

Ayon kay Mama at Papa, ang pangalan ko daw dapat ay "Roann" pinagsamang pangalan nila. Ro stands for Romy at stands for Annie. Pero noong naproseso ang aking birthcertificate ang lumabas na pangalang ko ay Jonalyn.

Tinanong ko sa kanilang kung bakit nga ba naging Jonalyn ang aking pangalan, ang sagot lang nila dahil ito daw ang gusto nilang ipangalan sa'kin. Joy, ang aking palayaw dahil raw sa likas kong pagpakamasiyahin.

Ang maari kong mailarawan sa pisikal kong anyo ay, paya, hindi kaputian, mahaba ang buhok at nasa tamang taas. Pero kung minsang minamaliit ako ng mga kaibigan ko dahil maliit raw ako.

Minsan 'yong iba kong mga kaibagan ginagawa akong tungkod kasi mga daw maliit ako. Pero kung tutuusin nasa tamang height lang ako 155 cm, hindi katangkaran, hindi kaliitan.

May ilang sport rin akong sinasalihan pero hanggang tryout lang kasi hindi ako masyadong marunong, sa badminton at volleyball. Pero hindi man ako napipili bilang player atleast nag-eenjoy ako sa pagtatry-out.

Bago pa ko sumubok sa paglalaro, kinatatakutan ko pa ang bola ng volleyball at basketball. Hindi ko alang kung bakit? Pero ang alam ko takot lang akong masaktan.

Narealize ko kung di ko haharapin 'yung maliit na bagay na kinatatakutan ko paano pa kaya kapag malaki na? So nagdecide akong sumubok maglaro ng volleyball, nag-enjoy ako paglalaro kasama ang mga kaibigan ko.

Walang problema sa kalusugan ko. Wala naman akong iniindang sakit katulad ng iba. Wala ring backround ang pamilya ko ng matitinding sakit, in short healthy kami.

May maayos na papangatawan ako. At madalas idinadaan ang stress sa pagtawa. Pero kung minsan hindi maiiwasan ang pagkapagod ng aking katawan dala na rin ng mga gawain sa school at gawaing bahay.

Sa kasalukuyan ako ngayon ay senior high student sa Calayan Educational Foundation Inc. Sa grades na mayroon ako nasa tama lang, hindi kataasan, hindi rin kababaan.

Mga kapatid ko ang kadalasan kong nakakasama. Ako na rin ang nag-aalaga, nagpapakain at iba pa. Sa tuwing nakikita ko sila, nawawala ang pagod o stress na aking nararamdaman.

Sa mga activies sa school, hindi ako pumapayag na may namimiss akong gawain. Mga activies na kahit mahirap pero kailangan paring gawin at maipasa sa due date. Ginagawa ko yung sa tingin kong kaya ko para maging proud ang mga magulang ko, para na rin sa mga goals ko na gusto kong maachieve balang araw.

Nakakasabay ako sa mga academic performance sa school. Pero ang pinakakinatatakutan sa lahat ay ang recitation, kasi pakiramdam ko na once na magkamali ako anytime lalamunin ang ng lupa o kaya kakainim ng buhay ng titser kanilang mga titig. Nakikipagparticipate naman ako sa mga activies na ginagawa sa kada subject.

Sa ngayon thesis ang aming pinagkakaabalahan. Ang sakit sa ulo, lalo na kapag 'yung mga kagrupo ay hindi pa tumutulong. Tapos umaasa lang, yung tipong umaasa sa biyaya na mapapa galing sa'kin.

Sa bahay, nakakainis kong minsan kasi madalas na ikumpara nila ako sa ibang tao, 'yung tipong mas ganito daw mas ganyan. Tapos 'yung natutuwa pa sa achievement ng iba anak kesa sa achievement na nakukuha, pero siguro hindi sila kunteto pero alam ko balang araw yung mga achievements nila maaachieve ko rin.

Parangarap kong maging isang guro balang araw, 'yung isang master teacher sa isang public school. Pero bago ko pa makamit yan kailangan ko munang mag-aral ng mabuti at matapos ang sandamakmak na school demands kada quarter. Ako 'yung tipong kapag hindi ko pa kilala napakatahimik ko, pero kapag nakilala naman magiging komportable na. May takot ako sa Diyos dahil naniniwala ako sa bawat magagawa niya sa amin.

Masaya ako noong nakamit ko yung certificate of completion noong ako ay Junior High School dahil nakita ko sa mga magulang ang ngiti mula sa kanilang mga labi dahil sa aking achievement.

Ako ay lumaki kasama ang aking buong pamilya. May pagkakataon na hindi kami nagkakaunawaan ngunit naaayos din naman.

Ang aking pamilya ay may-kaya, may tindahan ng kwek-kwek, sari-sari store. Natutustusan ang mga pangangailang at gastusin sa bahay. Pati na rin ang mga bagay at gamit na hiniling ng mga kapatid ko ay naibibigay rin.

Ang trabaho ng aking ama ay isang driver operator at ang aking ina ay nagtitinda ng mga street food sa amin at sa school. Nagtutulungan sila para sa mga pambayad ng gastusin sa bahay.

Ang aking mga kaibagan ang siyang humubog sa bawat pagkatao na mayroon ako. Mga kaibigan ko na and'yan para unawain ako sa tuwing may problema ako at nadodown na ako.

Kadalas kong ginagawa ay ang magsurfing sa cellphone, pagstroll lang sa newsfeed ko. Mahilig rin akong manuod ng mga horror movies para may trill panuodin.

Last kong napanuod na movie ay as usual horror movie ang title ay See No Evil 2. Ito ay tungkol sa isang lalaki na inabando ng kanyang ama at tanging ina lamang ang siyang kanyang naging kasama paglaki. Isang lalaki na parang zombie na hindi mamatay-matay. May part na natatawa ako kahit horror ganoon kasi ako, pero may part din nanakakagulat.

Hindi ako party goer. Masaya na ako sa bahay na mag-isa dahil nakakapagmuni-muni rin ako. Last December 20, 2016 school party ako dumalo, nakakaenjoy lalo na kapag kasama yung kaibigan at mga kaklase ko.

Ang mga nakapaligid sa akin ay hindi ko masasaming ganun kaganda kasi kong minsan magulo rin. Pero nakikikasama parin ako sa mga tao na nasa paligid ko.

Bilang isang kabataan, kailangan kong maging isa modelo sa mga kabataan na masbata pa sa akin. Ang pag-aaral ko nang mabuti para sa pamilya at maging inspiration ng bagong henerasyon. Kung mayroon may akong gustong baguhin sa mundo ay ang pagiging responsable ng bawat taong namumuhay rito. 'Yung tipong minamahal ang kalikasan at hindi sinira. At ang pagiging mapayapa ng mundo kasama ng mabubuting tao.

Sa kasalukuyan kong tirahan ngayon ay sa Mayao Parada, Lucena City, since birth na ako naninirahan dito, kasama ang aking pamilya. May sarili kaming bahay at lupang tinitiran ng aming bahay.

May-kaya lang kami. Pero dahil na rin sa mga naipon ng aking mga kaibigan marami na silang naipundar katulad ng tindahan namin at isa pang bahay na mayroon kami. Ngunit ang isang bahay na iyon ay hindi pa tapos, under constraction pa kasi wala pang sapat na pera para maipaayos.

Sa lugar namin, halos makakamag-anak ang mga ninirahan rito. Ang bawat kapitbahay namin ay aming kakilala.

Sa bawat parte ng aming tindahan makikita ang bawat sulok na magugulo. Ang bawat pati ay tindahan, kwarto, kusina at bodega. Sa aming tindahan ang kadalas may tayo upang magbantay. Ang pinakagusto kong area ng aming bahay ay ang aming kwarto kasi dito ako nakakapagpahinga, nakagagawa ng assignment at anything na nakakapagparelax sa sarili ako. Ako ay naiinis kapag may mga taong nang-iistorbo kapag ako'y may ginagawa lalo na kung importante bagay. Gusto kasi ang lahat ng gagawin ko ay organisado para magawa ko nang ayos.

Kami ay isang traditional family kasi ang pamilya namin ay nakatira sa isang bubong na kasama ang aking ina, ama at tatlong mga kapatid. Madalas kong makaaway ang pangalawa kong kapatid. Maliit na bagay ay aming pinalalaki, ikaw nga nila 'walang bata, walang matanda'.

Masaya ako kapag nakikita kong saya at kumpleto ang aking pamilya na hindi tulad ng iba. Mga memories na aming pinagsasaluhan kada araw.

May ilang bagay na hindi nila alam tungkol sa akin, mga bagay na sarili ko lang ang tanging nakakakilala dahil alam ko na hinding hindi maiintindihan ito ng aking mga magulang.

Sa aming tahanan, may mga bagay na hindi nagkakaunawaan dahil sa pride na pinaiiral ng bawat naninirahan rito. Pero bilang isang pamilya hindi ko rin ito maiiwasan dahil kasama ito sa aming buhay.


May mga taong namimisinterpret ako dahil sa ugaling mayroon ako at dahil na rin sa hindi nila ako kilala bilang ako. Kung idedescribe ko ang sarili ko masasabi kong ako'y isang mabuting kapatid. Dahil kung hindi sila mahalaga sa akin hindi ko pahahalagahan ang pagmamahal ng bawat isa. Gusto ko ang mga kapatid ko ay nasa mabuting kalagayan lamang.

"Ang manikuristang si Jojielyn"

Jojielyn Ramos Cantos, isang manikurista ang aking ininterbiyu. Nakita ko siyang nag-iigib at lakas-loob kong kinausap sa kanilang tahanan. May ilang katanunga ako tungkol sa trabahong mayroon siya. Pinaunlakan niya ang aking kahilingan na siya'y interbiyuhin. Una kong tinanong ang kanyang buong pangalan, sumagot naman siya nang may ngiti. "Jojielyn Ramos Cantos" maikli niyang sagot sa tanong ko. Pumayag siyang ilagay ang kanyang pagkakakilanlan. Kasunod kong tanong ay kung ilang taon na siya, pangalan ng asawa, bilang ng mga anak at dating tirahan noong siya ay dalaga pa. 29 na taong gulang na siya, Johny Cantos ang pangalan ng kanyang asawa, 41 na taon na ito. At ang naging bunga ng kanilang pagsasama ay apat. Nagsimula na akong magtanong tungkol sa kanyang kasalukuyang trabaho:
Ako: Gaano na po kayo katagal sa paglilinis ng kuko?
Jojielyn: Bago pa lang ako at mahigit na apat na taon pa lamang ako sa paglilinis ng kuko.
A: Ah, paano po ba nakatutulong sa inyo ito?
J: Malaki naman ang naitutulong sa'min, nakadadagdag sa pambayad sa gastusin. Katulad sa pagpapabaon.
A: Magkano po ba ang kinikita ninyo kada araw?
J: Hindi pare-pareho. Minsan, isa akang kasi ang nagpapalinis.
A: Magkano po ba ang palinis?
J: 30 lang. A: 30 po? Ah, e paano ninyo poito napagkakasiya?
J: May sideline pa akong pagtutuhog ng sampaguita kapag ako'y nakakaisang-daan nakakakita ako ng 50 at kong hihigit pa sa isang daan edi mas malaki rin. May trabaho namang 'yung asawa ko.
A: (Ngumiti nalang ako) E di 30 po ang pinakamaliit? E 'yung pinakamali po?
J: 200 minsan sa isang araw kapag may okasyon katulad ng pasko o bagong taon.
A: Gaano po ba kahirap ang maglinis ng kuko?
J: Madali lang naman; ang mahirap lang kapag madaming nagpapalinis, nakakasakit sa likod at balakang.

Noong tinanong ko kung ano nga ba ang advantage at disadvantage ng paglilinis ng kuko, napatawa siya. Halatang hindi niya naunawaan ang aking tanong kaya bagyang tinagalog ko ito at siyang sinagot niya "Ah! Ang advantage nito kasi gumaganda ang kuko ng nagpapalinis at ang disavantage naman, minsan nagkakaroon ng sugat ang kuko pero hindi naman kasi ito naiiwan". Mayroon pa akong sinunod na tanong.:
A: Di'ba po 4 na taon na kayong naglilinis ng kuko? E di 2012 po kayo nagsimula? Sino po yung unang naging customer ninyo? At paano po kayo natuto?
J: Oo, si Ate Lala (Laura Legarte) 'yung hipag ko. Noong una, praktis-praktis lang hanggang sa madami ng nagpapalinis ng kuko. Nagtry-try lang ako sa sarili ko hanggang sa matuto ako.


Patuloy siya sa pagkukuwento. Bilang isang nag-iinterbiyu, nakikinig ako at isinusulat ang mga importanteng sinasabi niya. Ang huli kong tanong sa kanya ay "Bakit po ito ang trabahong napili ninyo?". Sumagot siya ng parang no choice ang pinopoint ng mga sinasabi niya. Sabi kasi niya, wala raw siyang ibang trabaho, kung hindi daw niya ito natutunan, sana daw hanggang ngayon siya'y naga-alaga ng bata at hindi daw siya nakatutulong sa kanyang asawa. Noong tinapos ko ang aking pagtatanong parang halos nabitin siya at nawili sa mga tinanong ko. Naisip ko habng palayo na ako ng bahay nila, parang ang hirap palang maging isang manikurista; ang hirap kumita ng pera. Natanaw ko siyang muling bumalik sa kanyang pinakakaabalang gawaing bahay na sandaling napatigil dahil sa pag-iinterbiyo na ginawa ko sa kanya. At napagtanto ko, na gagawin nilang lahat bilang ilaw ng tahanan, na maitaguyod at mairaos sa araw-araw ang kanilang pamilya.

President Rodrigo R. Duterte



Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,

Taos-puso po akong bumabati sa'yo ng Magandang Umaga. Ika-30 ng Hunyo taong 2016 nang ikaw ay mahalal bilang Presidente ng bansang Pilipinas. Sa panahon ng iyong pangangampanya, napakarami mo pong ipinangako sa ating bansa. At isa na po rito na sa anim na buwan mong panunungkulan, ang krimen ay unti-unting mababawasan.

Sa ilang buwan pa lamang po ng iyong pagkakaupo bilang presidente, agad ang pag-aksiyong kontra sa talamak na droga sa bansa. Kaliwa't kanan ang ginagawang pagtugis ng mga pulis sa mga drug lord. Laman ng balita ang kabi-kabilang oplan tokhang katok ng mga pulisya, sa iba't ibang panig ng bansang Pilipinas. Kabi-kabila ang napapanuod ng mga tao sa telebisyon na pagpatay sa mga gumagamit ng droga, dahil ikaw daw ay lumalaban ang mga ito. Bakit parang walang takot parin ang mga tao at patuloy na gumagawa ng illegal na gawain. Kada buwan hindi bababa sa sampung katao o higit pa ang namamatay.

Bakit po kaya ang madalas na sabihin ng mga pulis sa mga taong tinutugis nila ay nanlaban kahit na wala naman po itong katotohanan anin ng nakakarami. Kaawa-awang pagmasdan ang mga pamilya ng mga taong nawawalan ng mahal sa buhay. Nahihirapan silang tanggapin ang nangyari sa kanila.

Maraming paraan ang maaari pong gawin upang hindi kumitil ng buhay. Dahil ang bawat tao po ay may karapatang magsimula at magbagong buhay muli. Sana po ay hindi na humantong sa patayan ang paggawa ng aksiyon para sa paghuli sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Nawa po ay bigyan pa sila ng pagkakataon na muling mabuhay ng payapa.


Lubos na Gumagalang,
Jonalyn D. Calapit
“CEFI”

"Humanities ay Subukan"


       

 
          "Sa mga natatakot sa Math", ani ng nakararmi ang kumukuha ng strand na Humanites and Social Sciences (HUMSS). May parteng makatotohhan at may parteng walang katotohan. May math dhin ang HUMMS pero milf lang kumpara sa ibang strand.
Sa mga gustong mag-teacher, ang karamihan sa nagtrtake ng strand na ito. At may iba't iba pang kurso katulad ng psychology, criminology, mga magjojournalist at iba pa na maaaring pagpilian.


         Isa ako sa natake ng HUMSS at sa ilang buwan kong nag-aaral ako'y nasisiyahan sa aking natututunan. Iba't ibang kaalaman ang matutuklasan rito at kasiya-siyang nalilinang ang iyong kaisipan.
Sa HUMSS maraming activities sa paglinang sa pagsulat ng iba't ibang sulatin. Nasisiyahan ang mga estudyante sa pagsulat lalo na ang mga estudyanteng matalento na rito dahil lalo pang nahuhubog ang kabilang kaalaman.

          Aniya ng nakararami na ang HUMSS daw ang isa sa madaling strand. Dahil hindi daw ganoon kahassle sa pagsasagot sa Math. Calculus na kinatatakutan ng iba dahil sa madugong pag-aaral. Pero sa HUMMS hindi ganoon kadugo, kung uunawain at iintindihan sa tila parang napakadali lamang nito.
Mga suject sa unang sem, Personal Development, World Religious, General Math, APT1, Creative Writing, PE, Science, Oral Communication at Filipino; Mga subject na kayang kayang pag-aralan.


        Sa Personal Development, makikilala mo kung sino ka ba talaga; sa General Mathematics, mga mild lang ang pag-aaralan; sa oral communication matuto ng ibang pang kaalaman; sa PE, maeexercise ang katawan; sa scien, makakapag-explore pa; sa APT1 matuto sa paggamit ng kompyuter; at sa Religion, mapag-aaralan ang iba pang relihiyon sa iba't ibang bansa.

          Sa second sem, may bagong pag-aaralang mga subject katulad ng mga sumusuno: DISS na parang tungkol sa psychology ang pag-aaralan; Creative Non-fiction paqa sa gustong malinang ang pagsulat; Statics, math na makatutulong sa decision-making; qualitative na para sa thesis, physical science na physics ang pag-aaralan; Contemporary Arts para sa marunong at hindi marunong sa arts; meron din PE na para sa sports; at reading and writing na matutunan pa.


         Kung gusto pang maexplore ang Humanities and Social Sciences, bakit hindi mo sumukan? Wala namang mawawala kong susubukan. Masisiyahan kana sa strand, matuto pa.
 Subukan na at maging kabilang na studyante ng HUMSS. Makisisama at matuto ng mga alintuntunin rito. Halika na at mag-explore.

Biography

Gwyneth Anne Cosejo


2012




Last 2012, ika-22 ng Disyembre Chistmas Party sa TNHS. Itong mga pictures na ito ay itinag ni 
Yssa Madridano na kanyang kaklase.


2013







2013 Covered Photo. Una at pangalawang picture ay kanyang covered photo noong September 30, 2013 , Pangatlo at pang-apat ay October 2, 2013 at ang huli ay noong January 21, 2013. Bawat Larawan na makikita ay kasama niya ang kanyang kaklase at mga kaibigan.







5 Messages on Gwen Cosejo's Facebook.
( 2013 )


2014
Shared photo of Gwyneth Cosejo noong December 31,2014. 

Status with comment noong December 30, 2014


2015
Picture with comment sa wall sa Birthday. Last November 12,2015. Bilang pagbati kay Sandara Park, gumawa siya ng banner at nagpapicture.

Outfit of the day, noong December 18, 2015.


2016
March 28, 2016, Moving up Event ng Junior High School sa Talipan National High School.

 Family Picture, noong inihatid ang kanyang tita sa airport kasama ang kanyang pamilya.






10 Profile Picture

Tuesday, 14 February 2017

"Kadalasang Ginagawa Tuwing Masama ang Panahon"



Sa Pagpatak ng ulan sa sa bubong ng bahay.

Pagtanaw sa bawat patak ng ulan.


Paggamit ng payong at bota.


Paggamit ng payong at bota.


Paglilinis ng loob ng bahay.

Paghiga at pagmumuni-muni.

Paglalaro ng mga bata sa loob ng bahay.

Panunuod telebisyon at pagrerelax.

Pagtulog sa loob ng kwarto o saan mang bahagi ng bahay na tingin ay komportable.

Paghigop ng mainit na sabaw

Paghihintay na hanggang sa pagtila ng malakas na ulan

"Ipaglaban Karapatan ng Bawat Tao"

 


        "Kailangan nating malaman kung ano nga ba ang karapatan natin!" Ika ng nagsalita sa unahan noong araw ng Sabaso, ika-10 ng Disyembre taong 2016 sa may third floor ng Pacific Mall, Lucena City. Naroroon ang mga estudyante ng Calayan Educational Foundation Inc. na may strand ng Humanites and Social Sciences.

          Art of Human Rights ang mababasa sa bandang unahang bahagi ng venue. Pasado alas-nuwebe na ng umaga nasimulan ang event. Isang babae ang unang nagsalita, makalipas ang ilang minuto na pagsasalita niya, binigyan niya ng pagkakataon ang mga estudyante na ipakita ang talento ng bawat isa. May nga-spoken words, poetry performance at kumanta sa unahan. "Ang talented naman pala ng mga estudyante ng CEFI" ika ng babae.

          "BUO,BUO,BUO...COSEJO,COSEJO...ANNALISA,ANNALISA" kanya kabyang kantiyawan ng mga estudyante, na kung sino pa ang magpeperform sa unahan.

          Nang wala ng gustong pumunta sa unahan upanh magperform, nagsimula na ulit magsalita ang babae.

          Ala una ng tanghali na nood ang mga estudyante ng film na ang pamagat ay 'Barber's Tales' na pinagbibidahan ni Eugene Domingo. Si Marilou Diaz-Abaya ang kanyang ginanapan. Isang ulirang babae na nmatay ng asawa't anak.

          Noong namatay ang asawa ni Marilou, napagpasiyahan niyang magtayo ng isang barber shop, Jose's Barbershop ang pangalan. Walang naniwala sa kakayahan niya dahil isa siyang babae. Ngunit naging personal na taga-gupit si Marilou ng kanilang Mayor at unti-unting nakilala siya sa pagggugupit at unti-unting nagkaroon siya ng costumer.

          Si Pastor ang madalas magpagupit sa kanya ngunit napatay ito ng mga sundalo. Si Edmundo, isang rebelde, kanyang inaanak, nagawa niyang itago, dahil ito ay pinaghahanap ng mga sundalo. Nang magpakamatay ang asawa ng mayor dahil na rin sa pambubugbog dito. Itinago ng Mayor ang totoong nangyari. Napatay ni Marilou si Mayor dahil sa pagtatago ng unay na nangyari sa asawa nito at sa huli, naging kasapi siya ng kapisanan ng mga rebelde.

          Habang patuloy na nanunuod ang mga estudyante, may inilatag na isang puting tela sa sahig ng Mall at unti-unti itong kinulayan ng kulay pulang pintura. Larawan ni Marcos na nakalapit ang mukha kay Duterte ang makikita rito at sinulatan pa ito ng itim na pintura.

          Nang matapos ang film, nagsalita ang babae at ipinakilala si Aaron. Nagsalita si Aaron ng tungkol sa Bahagharing kanyang kinabibilangan. Mga LGBT ang kasali rito. Ayon sa kanya siya si Aaron Bonette, 22 na taong gulang, kasama siyang nagbuo ng Bahaghari sa Enverga. Last year 2015, lumipad siya sa Maynila upang tugunan niya ang panawagan ng mga ibang LGBT upang buoin ang national LGBT.


          Isang estudyante ang nagtanong sa kanya " 'Di ba po Human Rights rin po 'yun? Ano po ang maipapayo ninyo sa kabataan na hindi aware dito, na iniechapwera lang po" "Para sa mga kabataan ng katulad ko rin, na ako bago maging isang bakla, kayo bago maging babae  isang lesbian o maging isang estudyante ng CEFI, o kung anuman, tayo ay parte ng lipunan at ang lipunan natin ay nangangailangan ng ating boses upang tungunan itong pangangailangang ito, Ano ba yun? At ang unang-una para ilaban ang pagsulong ng bawat isa.." sagot niya. Nagbigay din siya ng ilang halimbawa na nangyayari sa isang transgender na si Jenefer Laude na nilunod sa inidoro at pinatay. Ang naipayo niya huwag daw natin na isipin na kung anong meron tayo at kailangan natin na tignan ang nakaraan upang mahubog tayo.


          Nang matapos magsalita si Aaron. Ngsimula na ulit na magsalita ang babae at muling natong kung sino pa ang gustong mag-perform sa unahan pero ni isang estudyante'y walang nag-perform kaya muling nagsalita siya "Sige, maghanda mina kayo at maya ko kayo ulit tatawagin," May pinakilala siyang lalaki at nagsimula ring magsalia sa unahan. Nang matapos, isang matanda naman ang sumunod, German Mercado ang kanyang pangalan.


          May mga estudyante na lumapot sa kanya nang matapos aiyang magsalita. Siya'y nasa gilid at may ginagawa. Tinanong siya ng isang estudyante kung ano ang maaaring maipayo nito sa mga kabataan na hindi aware sa pamahalaan." "Makinig sa balita, magabasa  ng diyaro, manuod ng TV at bumuo ng kanyang opinyon at magsalita at hindi dapat maging paaibo..." ani niya. "Prove your work", huli niyang sinabi at pinabalik kami sa aming pagkakaupo upang patuloy na makinig.


         "Sinong sasama sa inyosa candle lighting?" ani ng nagsasalita sa unahan at isa-isang binigyan ang mga estudyante ng kandilang nakalagay sa baso.


          May pinakilalang rapper ang nagsasalita sa unahan si Joel Bancay. Lumakad ito patungong unahan at nagpakilala, bago niya simulan ang kanyang rap. Iponaliwanag niya ang ibigsabihin nito. Patuloy sa pagrarap siya. 18 ba taong gulang siya at nag-aaral sa St. Anne College. "Last 2014 ako nagsimulang sumali sa organisasyon na ito." Masya niyang sinabi noong siya ay nagkukwento at kausap ng mga estudyante. Maraming nagpa-papicture at lumalapit sa kanya.


          Sa bandang kanan, patuloy na may nagpipinta, kasama sa nagpipinya si Jasmone Lacerna, 20 years old. Noong 2013 siya nagsimulanh sumali sa organisasyon. "Ang pagpipinta ay hobby ko talaga," ani noya at patuloy sa pagkukwento. Guni-guri ang pangalan ng grupo na kanyang kinabibilangan. "Habang lumalaon, nalalaman ko kung bakit pinapaintindi nila sa akin." Nabanggit rin niya noong sila'y bumisita sa Pagbilao isang magsasaka sila, nang minsang umalis ang mga ito giniba ang bahay at pagbalik nila ay wala na silang bahay at kalat-kalat ang kanilang mga gamit. Ikinuwento rin niya ang tungkol sa isang lupa na pinaglaban ng mag-asawang matanda na may aakit at taga-ibang lugar at wala silang alam sa karapatan nila dahil hindi sila nag-aral. "Para sa akon, ako'y naawa sa mga kapanayan ko, syempre! Anong magagawa ko para matulungan ang mga tao upang maipaglaban ang karapatan nila?" ani ni Jasmine.


          Nang matapos ang mga estidyante sa pagtatanong sa kanya ay muli na itong bumalik sa kanyang ginagawa.


          Binigyan rin ang mga estudyante ng itim na tela "Itali ninyo kahit saan," ani nang nagbigay ng tela. Nilagay sa ulo, sa braso at king saan-saan pa.


          Pagabi at unti-unti nang nauubos ang mga estudyante. Tinuruan ang mga ito ng kanilang isisigaw habang sila ay magmamartsa.


          Pasado 6:37 na natapos ang kanilang pagmamartsa kasama ang ilang estudyante ng CEFI. Hawak ang ginuhit na nasa tela sila ay naglakad mula sa venue na pinagganapan patungo sa eskwelahan ng mataas na paaralan ng Quezon National High School, at muling bumalik sa Pacific Mall. "MARCOS! DIKTADOR! HITLER! TUTA!" ang maririnig sa kanila habang sila ay nagmamartsa.

"Sakunang Nalampasan ng mga Tao"





          

          Unti-unting nagdaratingan ang mga estudyante na nagmula sa paaralan ng Calayan Educational Foundation Inc. bandang mag-aalas-otso ng umaga araw ng Sabado ika-14 ng Enero taong 2017 sa harap ng SM Lucena, upang manuod ng sine at masaksihan ang direktor ng film. Nag-commerial muna bago masimulan ang pelikulang "Taklub" na umani ng maraming parangal. Nang nagsisimula na ang pelikula, ang ilang estudyante ay nanuod at sinubaybayan ang pelikula at ang ilan ay mukhang hindi interesado.


          Napakaraming sakuna ang maaaring dumating at gimbalin ang buhay ng tao, sakuna na maaaring makasira ng buhay at ari-arian ng isang tao.


          Tent mg pamilya ni Renato ay tinupok ng napakalaking apoy. Buong pamilya ay nasawi sa sunog at tanging siya lang ang natirang ligtas. Sa buhay ng tao, ang sakunang dumarating sa buhay ay walang pinipili, walang sinisino.


          Si Larry na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa bagyo, isang trahedya ang dumatinh, ang landslide, namatay ang tiyahin niya. Sa pagkamatay ng kanang tiyahin, nawalan siya ng pananalig sa Diyos. Katulad ni Larry hindi maiiwasan ng tao ang mawalan ng pananampalataya lalo na kung napakarami ng pagsubok sa buhay. Ang naging purpose ng direktor kaya ito ipinanuod at ipinalabas ang indie film na taklub.


         Si Bebeth na lumikom ng pera upang makatulong kay Renato, isang taong matulungin. Nawalan siya ng apat na anak at sumakabilang-bahay ang kanyang asawa, nang minsan siya ay nagpa-DNA test para mahanap ang mga katawan ng kanyang mga anak pero mabigo siyang makita. Sa mahigit isang daang bangkay wala ni isang nagmatch kaya hindi niya napigilang magtaas ng boses sa mga staff na nasa hospital. Dumarating sa tao na hindi na nila maihandle ang mga problema kaya sa puntong ito sila ay napupuno at umaawas na rin dahil sa mga problemang dumarating katulad kay Bebth na hindi na napiligilan ang emosyon.


         Hindi maiiwasan ang pagdating ng problema sa buhay ng isang tao. May mga taong nawawalan ng pag-asa't pananampalata, mga taong nawawalan nawawalan ng mga mahal sa buhay, mga taong kahit na anong bait, nawawala dahil nadadala na silang ng emosyon. Pero kahit na ano pang nangyari sa buhay ang lahat ay pagsubok at pagsubok lamang at patuloy parin ajg pagdating nito, ngunit ang lahat ay may hangganan at may katapusan.






         Sa pelikulang taklub ni Direk Brillante MA Mendoza, napakita ang ilan sa mga naging pagsubok sa buhay ng mga taong naninirarahan sa Takloban, ipinakita din kung paano bumangon ang bawat isa at muling nagsimula ng panibagong buhay.