Thursday, 30 March 2017

"Ang manikuristang si Jojielyn"

Jojielyn Ramos Cantos, isang manikurista ang aking ininterbiyu. Nakita ko siyang nag-iigib at lakas-loob kong kinausap sa kanilang tahanan. May ilang katanunga ako tungkol sa trabahong mayroon siya. Pinaunlakan niya ang aking kahilingan na siya'y interbiyuhin. Una kong tinanong ang kanyang buong pangalan, sumagot naman siya nang may ngiti. "Jojielyn Ramos Cantos" maikli niyang sagot sa tanong ko. Pumayag siyang ilagay ang kanyang pagkakakilanlan. Kasunod kong tanong ay kung ilang taon na siya, pangalan ng asawa, bilang ng mga anak at dating tirahan noong siya ay dalaga pa. 29 na taong gulang na siya, Johny Cantos ang pangalan ng kanyang asawa, 41 na taon na ito. At ang naging bunga ng kanilang pagsasama ay apat. Nagsimula na akong magtanong tungkol sa kanyang kasalukuyang trabaho:
Ako: Gaano na po kayo katagal sa paglilinis ng kuko?
Jojielyn: Bago pa lang ako at mahigit na apat na taon pa lamang ako sa paglilinis ng kuko.
A: Ah, paano po ba nakatutulong sa inyo ito?
J: Malaki naman ang naitutulong sa'min, nakadadagdag sa pambayad sa gastusin. Katulad sa pagpapabaon.
A: Magkano po ba ang kinikita ninyo kada araw?
J: Hindi pare-pareho. Minsan, isa akang kasi ang nagpapalinis.
A: Magkano po ba ang palinis?
J: 30 lang. A: 30 po? Ah, e paano ninyo poito napagkakasiya?
J: May sideline pa akong pagtutuhog ng sampaguita kapag ako'y nakakaisang-daan nakakakita ako ng 50 at kong hihigit pa sa isang daan edi mas malaki rin. May trabaho namang 'yung asawa ko.
A: (Ngumiti nalang ako) E di 30 po ang pinakamaliit? E 'yung pinakamali po?
J: 200 minsan sa isang araw kapag may okasyon katulad ng pasko o bagong taon.
A: Gaano po ba kahirap ang maglinis ng kuko?
J: Madali lang naman; ang mahirap lang kapag madaming nagpapalinis, nakakasakit sa likod at balakang.

Noong tinanong ko kung ano nga ba ang advantage at disadvantage ng paglilinis ng kuko, napatawa siya. Halatang hindi niya naunawaan ang aking tanong kaya bagyang tinagalog ko ito at siyang sinagot niya "Ah! Ang advantage nito kasi gumaganda ang kuko ng nagpapalinis at ang disavantage naman, minsan nagkakaroon ng sugat ang kuko pero hindi naman kasi ito naiiwan". Mayroon pa akong sinunod na tanong.:
A: Di'ba po 4 na taon na kayong naglilinis ng kuko? E di 2012 po kayo nagsimula? Sino po yung unang naging customer ninyo? At paano po kayo natuto?
J: Oo, si Ate Lala (Laura Legarte) 'yung hipag ko. Noong una, praktis-praktis lang hanggang sa madami ng nagpapalinis ng kuko. Nagtry-try lang ako sa sarili ko hanggang sa matuto ako.


Patuloy siya sa pagkukuwento. Bilang isang nag-iinterbiyu, nakikinig ako at isinusulat ang mga importanteng sinasabi niya. Ang huli kong tanong sa kanya ay "Bakit po ito ang trabahong napili ninyo?". Sumagot siya ng parang no choice ang pinopoint ng mga sinasabi niya. Sabi kasi niya, wala raw siyang ibang trabaho, kung hindi daw niya ito natutunan, sana daw hanggang ngayon siya'y naga-alaga ng bata at hindi daw siya nakatutulong sa kanyang asawa. Noong tinapos ko ang aking pagtatanong parang halos nabitin siya at nawili sa mga tinanong ko. Naisip ko habng palayo na ako ng bahay nila, parang ang hirap palang maging isang manikurista; ang hirap kumita ng pera. Natanaw ko siyang muling bumalik sa kanyang pinakakaabalang gawaing bahay na sandaling napatigil dahil sa pag-iinterbiyo na ginawa ko sa kanya. At napagtanto ko, na gagawin nilang lahat bilang ilaw ng tahanan, na maitaguyod at mairaos sa araw-araw ang kanilang pamilya.

No comments:

Post a Comment