Thursday, 30 March 2017

President Rodrigo R. Duterte



Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,

Taos-puso po akong bumabati sa'yo ng Magandang Umaga. Ika-30 ng Hunyo taong 2016 nang ikaw ay mahalal bilang Presidente ng bansang Pilipinas. Sa panahon ng iyong pangangampanya, napakarami mo pong ipinangako sa ating bansa. At isa na po rito na sa anim na buwan mong panunungkulan, ang krimen ay unti-unting mababawasan.

Sa ilang buwan pa lamang po ng iyong pagkakaupo bilang presidente, agad ang pag-aksiyong kontra sa talamak na droga sa bansa. Kaliwa't kanan ang ginagawang pagtugis ng mga pulis sa mga drug lord. Laman ng balita ang kabi-kabilang oplan tokhang katok ng mga pulisya, sa iba't ibang panig ng bansang Pilipinas. Kabi-kabila ang napapanuod ng mga tao sa telebisyon na pagpatay sa mga gumagamit ng droga, dahil ikaw daw ay lumalaban ang mga ito. Bakit parang walang takot parin ang mga tao at patuloy na gumagawa ng illegal na gawain. Kada buwan hindi bababa sa sampung katao o higit pa ang namamatay.

Bakit po kaya ang madalas na sabihin ng mga pulis sa mga taong tinutugis nila ay nanlaban kahit na wala naman po itong katotohanan anin ng nakakarami. Kaawa-awang pagmasdan ang mga pamilya ng mga taong nawawalan ng mahal sa buhay. Nahihirapan silang tanggapin ang nangyari sa kanila.

Maraming paraan ang maaari pong gawin upang hindi kumitil ng buhay. Dahil ang bawat tao po ay may karapatang magsimula at magbagong buhay muli. Sana po ay hindi na humantong sa patayan ang paggawa ng aksiyon para sa paghuli sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Nawa po ay bigyan pa sila ng pagkakataon na muling mabuhay ng payapa.


Lubos na Gumagalang,
Jonalyn D. Calapit
“CEFI”

No comments:

Post a Comment