Ipinanganak ako noong ika-12 ng Nobyembre taong 1999, 3:40 ng umaga sa Memorial Hospital, ako ay may bigat na 3,600grams. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Si Mama ay 19 na taong gulang palang noong ako ay kanyang ipinanganak.
Ayon
kay Mama at Papa, ang pangalan ko daw dapat ay "Roann" pinagsamang
pangalan nila. Ro stands for Romy at stands for Annie. Pero noong naproseso ang
aking birthcertificate ang lumabas na pangalang ko ay Jonalyn.
Tinanong
ko sa kanilang kung bakit nga ba naging Jonalyn ang aking pangalan, ang sagot
lang nila dahil ito daw ang gusto nilang ipangalan sa'kin. Joy, ang aking
palayaw dahil raw sa likas kong pagpakamasiyahin.
Ang
maari kong mailarawan sa pisikal kong anyo ay, paya, hindi kaputian, mahaba ang
buhok at nasa tamang taas. Pero kung minsang minamaliit ako ng mga kaibigan ko
dahil maliit raw ako.
Minsan
'yong iba kong mga kaibagan ginagawa akong tungkod kasi mga daw maliit ako.
Pero kung tutuusin nasa tamang height lang ako 155 cm, hindi katangkaran, hindi
kaliitan.
May
ilang sport rin akong sinasalihan pero hanggang tryout lang kasi hindi ako
masyadong marunong, sa badminton at volleyball. Pero hindi man ako napipili
bilang player atleast nag-eenjoy ako sa pagtatry-out.
Bago
pa ko sumubok sa paglalaro, kinatatakutan ko pa ang bola ng volleyball at
basketball. Hindi ko alang kung bakit? Pero ang alam ko takot lang akong
masaktan.
Narealize
ko kung di ko haharapin 'yung maliit na bagay na kinatatakutan ko paano pa kaya
kapag malaki na? So nagdecide akong sumubok maglaro ng volleyball, nag-enjoy
ako paglalaro kasama ang mga kaibigan ko.
Walang
problema sa kalusugan ko. Wala naman akong iniindang sakit katulad ng iba. Wala
ring backround ang pamilya ko ng matitinding sakit, in short healthy kami.
May
maayos na papangatawan ako. At madalas idinadaan ang stress sa pagtawa. Pero
kung minsan hindi maiiwasan ang pagkapagod ng aking katawan dala na rin ng mga
gawain sa school at gawaing bahay.
Sa
kasalukuyan ako ngayon ay senior high student sa Calayan Educational Foundation
Inc. Sa grades na mayroon ako nasa tama lang, hindi kataasan, hindi rin
kababaan.
Mga
kapatid ko ang kadalasan kong nakakasama. Ako na rin ang nag-aalaga,
nagpapakain at iba pa. Sa tuwing nakikita ko sila, nawawala ang pagod o stress
na aking nararamdaman.
Sa
mga activies sa school, hindi ako pumapayag na may namimiss akong gawain. Mga
activies na kahit mahirap pero kailangan paring gawin at maipasa sa due date.
Ginagawa ko yung sa tingin kong kaya ko para maging proud ang mga magulang ko,
para na rin sa mga goals ko na gusto kong maachieve balang araw.
Nakakasabay
ako sa mga academic performance sa school. Pero ang pinakakinatatakutan sa
lahat ay ang recitation, kasi pakiramdam ko na once na magkamali ako anytime
lalamunin ang ng lupa o kaya kakainim ng buhay ng titser kanilang mga titig.
Nakikipagparticipate naman ako sa mga activies na ginagawa sa kada subject.
Sa
ngayon thesis ang aming pinagkakaabalahan. Ang sakit sa ulo, lalo na kapag
'yung mga kagrupo ay hindi pa tumutulong. Tapos umaasa lang, yung tipong umaasa
sa biyaya na mapapa galing sa'kin.
Sa
bahay, nakakainis kong minsan kasi madalas na ikumpara nila ako sa ibang tao,
'yung tipong mas ganito daw mas ganyan. Tapos 'yung natutuwa pa sa achievement
ng iba anak kesa sa achievement na nakukuha, pero siguro hindi sila kunteto
pero alam ko balang araw yung mga achievements nila maaachieve ko rin.
Parangarap
kong maging isang guro balang araw, 'yung isang master teacher sa isang public
school. Pero bago ko pa makamit yan kailangan ko munang mag-aral ng mabuti at
matapos ang sandamakmak na school demands kada quarter. Ako 'yung tipong kapag
hindi ko pa kilala napakatahimik ko, pero kapag nakilala naman magiging
komportable na. May takot ako sa Diyos dahil naniniwala ako sa bawat magagawa
niya sa amin.
Masaya
ako noong nakamit ko yung certificate of completion noong ako ay Junior High
School dahil nakita ko sa mga magulang ang ngiti mula sa kanilang mga labi
dahil sa aking achievement.
Ako
ay lumaki kasama ang aking buong pamilya. May pagkakataon na hindi kami
nagkakaunawaan ngunit naaayos din naman.
Ang
aking pamilya ay may-kaya, may tindahan ng kwek-kwek, sari-sari store.
Natutustusan ang mga pangangailang at gastusin sa bahay. Pati na rin ang mga
bagay at gamit na hiniling ng mga kapatid ko ay naibibigay rin.
Ang
trabaho ng aking ama ay isang driver operator at ang aking ina ay nagtitinda ng
mga street food sa amin at sa school. Nagtutulungan sila para sa mga pambayad
ng gastusin sa bahay.
Ang
aking mga kaibagan ang siyang humubog sa bawat pagkatao na mayroon ako. Mga
kaibigan ko na and'yan para unawain ako sa tuwing may problema ako at nadodown
na ako.
Kadalas
kong ginagawa ay ang magsurfing sa cellphone, pagstroll lang sa newsfeed ko.
Mahilig rin akong manuod ng mga horror movies para may trill panuodin.
Last
kong napanuod na movie ay as usual horror movie ang title ay See No Evil 2. Ito
ay tungkol sa isang lalaki na inabando ng kanyang ama at tanging ina lamang ang
siyang kanyang naging kasama paglaki. Isang lalaki na parang zombie na hindi
mamatay-matay. May part na natatawa ako kahit horror ganoon kasi ako, pero may
part din nanakakagulat.
Hindi
ako party goer. Masaya na ako sa bahay na mag-isa dahil nakakapagmuni-muni rin
ako. Last December 20, 2016 school party ako dumalo, nakakaenjoy lalo na kapag
kasama yung kaibigan at mga kaklase ko.
Ang
mga nakapaligid sa akin ay hindi ko masasaming ganun kaganda kasi kong minsan
magulo rin. Pero nakikikasama parin ako sa mga tao na nasa paligid ko.
Bilang
isang kabataan, kailangan kong maging isa modelo sa mga kabataan na masbata pa
sa akin. Ang pag-aaral ko nang mabuti para sa pamilya at maging inspiration ng
bagong henerasyon. Kung mayroon may akong gustong baguhin sa mundo ay ang
pagiging responsable ng bawat taong namumuhay rito. 'Yung tipong minamahal ang
kalikasan at hindi sinira. At ang pagiging mapayapa ng mundo kasama ng
mabubuting tao.
Sa
kasalukuyan kong tirahan ngayon ay sa Mayao Parada, Lucena City, since birth na
ako naninirahan dito, kasama ang aking pamilya. May sarili kaming bahay at
lupang tinitiran ng aming bahay.
May-kaya
lang kami. Pero dahil na rin sa mga naipon ng aking mga kaibigan marami na
silang naipundar katulad ng tindahan namin at isa pang bahay na mayroon kami.
Ngunit ang isang bahay na iyon ay hindi pa tapos, under constraction pa kasi
wala pang sapat na pera para maipaayos.
Sa
lugar namin, halos makakamag-anak ang mga ninirahan rito. Ang bawat kapitbahay
namin ay aming kakilala.
Sa
bawat parte ng aming tindahan makikita ang bawat sulok na magugulo. Ang bawat
pati ay tindahan, kwarto, kusina at bodega. Sa aming tindahan ang kadalas may
tayo upang magbantay. Ang pinakagusto kong area ng aming bahay ay ang aming kwarto
kasi dito ako nakakapagpahinga, nakagagawa ng assignment at anything na
nakakapagparelax sa sarili ako. Ako ay naiinis kapag may mga taong
nang-iistorbo kapag ako'y may ginagawa lalo na kung importante bagay. Gusto
kasi ang lahat ng gagawin ko ay organisado para magawa ko nang ayos.
Kami
ay isang traditional family kasi ang pamilya namin ay nakatira sa isang bubong
na kasama ang aking ina, ama at tatlong mga kapatid. Madalas kong makaaway ang
pangalawa kong kapatid. Maliit na bagay ay aming pinalalaki, ikaw nga nila
'walang bata, walang matanda'.
Masaya
ako kapag nakikita kong saya at kumpleto ang aking pamilya na hindi tulad ng
iba. Mga memories na aming pinagsasaluhan kada araw.
May
ilang bagay na hindi nila alam tungkol sa akin, mga bagay na sarili ko lang ang
tanging nakakakilala dahil alam ko na hinding hindi maiintindihan ito ng aking
mga magulang.
Sa
aming tahanan, may mga bagay na hindi nagkakaunawaan dahil sa pride na
pinaiiral ng bawat naninirahan rito. Pero bilang isang pamilya hindi ko rin ito
maiiwasan dahil kasama ito sa aming buhay.
May
mga taong namimisinterpret ako dahil sa ugaling mayroon ako at dahil na rin sa
hindi nila ako kilala bilang ako. Kung idedescribe ko ang sarili ko masasabi
kong ako'y isang mabuting kapatid. Dahil kung hindi sila mahalaga sa akin hindi
ko pahahalagahan ang pagmamahal ng bawat isa. Gusto ko ang mga kapatid ko ay
nasa mabuting kalagayan lamang.
No comments:
Post a Comment