Tuesday, 14 February 2017

"Kadalasang Ginagawa Tuwing Masama ang Panahon"



Sa Pagpatak ng ulan sa sa bubong ng bahay.

Pagtanaw sa bawat patak ng ulan.


Paggamit ng payong at bota.


Paggamit ng payong at bota.


Paglilinis ng loob ng bahay.

Paghiga at pagmumuni-muni.

Paglalaro ng mga bata sa loob ng bahay.

Panunuod telebisyon at pagrerelax.

Pagtulog sa loob ng kwarto o saan mang bahagi ng bahay na tingin ay komportable.

Paghigop ng mainit na sabaw

Paghihintay na hanggang sa pagtila ng malakas na ulan

"Ipaglaban Karapatan ng Bawat Tao"

 


        "Kailangan nating malaman kung ano nga ba ang karapatan natin!" Ika ng nagsalita sa unahan noong araw ng Sabaso, ika-10 ng Disyembre taong 2016 sa may third floor ng Pacific Mall, Lucena City. Naroroon ang mga estudyante ng Calayan Educational Foundation Inc. na may strand ng Humanites and Social Sciences.

          Art of Human Rights ang mababasa sa bandang unahang bahagi ng venue. Pasado alas-nuwebe na ng umaga nasimulan ang event. Isang babae ang unang nagsalita, makalipas ang ilang minuto na pagsasalita niya, binigyan niya ng pagkakataon ang mga estudyante na ipakita ang talento ng bawat isa. May nga-spoken words, poetry performance at kumanta sa unahan. "Ang talented naman pala ng mga estudyante ng CEFI" ika ng babae.

          "BUO,BUO,BUO...COSEJO,COSEJO...ANNALISA,ANNALISA" kanya kabyang kantiyawan ng mga estudyante, na kung sino pa ang magpeperform sa unahan.

          Nang wala ng gustong pumunta sa unahan upanh magperform, nagsimula na ulit magsalita ang babae.

          Ala una ng tanghali na nood ang mga estudyante ng film na ang pamagat ay 'Barber's Tales' na pinagbibidahan ni Eugene Domingo. Si Marilou Diaz-Abaya ang kanyang ginanapan. Isang ulirang babae na nmatay ng asawa't anak.

          Noong namatay ang asawa ni Marilou, napagpasiyahan niyang magtayo ng isang barber shop, Jose's Barbershop ang pangalan. Walang naniwala sa kakayahan niya dahil isa siyang babae. Ngunit naging personal na taga-gupit si Marilou ng kanilang Mayor at unti-unting nakilala siya sa pagggugupit at unti-unting nagkaroon siya ng costumer.

          Si Pastor ang madalas magpagupit sa kanya ngunit napatay ito ng mga sundalo. Si Edmundo, isang rebelde, kanyang inaanak, nagawa niyang itago, dahil ito ay pinaghahanap ng mga sundalo. Nang magpakamatay ang asawa ng mayor dahil na rin sa pambubugbog dito. Itinago ng Mayor ang totoong nangyari. Napatay ni Marilou si Mayor dahil sa pagtatago ng unay na nangyari sa asawa nito at sa huli, naging kasapi siya ng kapisanan ng mga rebelde.

          Habang patuloy na nanunuod ang mga estudyante, may inilatag na isang puting tela sa sahig ng Mall at unti-unti itong kinulayan ng kulay pulang pintura. Larawan ni Marcos na nakalapit ang mukha kay Duterte ang makikita rito at sinulatan pa ito ng itim na pintura.

          Nang matapos ang film, nagsalita ang babae at ipinakilala si Aaron. Nagsalita si Aaron ng tungkol sa Bahagharing kanyang kinabibilangan. Mga LGBT ang kasali rito. Ayon sa kanya siya si Aaron Bonette, 22 na taong gulang, kasama siyang nagbuo ng Bahaghari sa Enverga. Last year 2015, lumipad siya sa Maynila upang tugunan niya ang panawagan ng mga ibang LGBT upang buoin ang national LGBT.


          Isang estudyante ang nagtanong sa kanya " 'Di ba po Human Rights rin po 'yun? Ano po ang maipapayo ninyo sa kabataan na hindi aware dito, na iniechapwera lang po" "Para sa mga kabataan ng katulad ko rin, na ako bago maging isang bakla, kayo bago maging babae  isang lesbian o maging isang estudyante ng CEFI, o kung anuman, tayo ay parte ng lipunan at ang lipunan natin ay nangangailangan ng ating boses upang tungunan itong pangangailangang ito, Ano ba yun? At ang unang-una para ilaban ang pagsulong ng bawat isa.." sagot niya. Nagbigay din siya ng ilang halimbawa na nangyayari sa isang transgender na si Jenefer Laude na nilunod sa inidoro at pinatay. Ang naipayo niya huwag daw natin na isipin na kung anong meron tayo at kailangan natin na tignan ang nakaraan upang mahubog tayo.


          Nang matapos magsalita si Aaron. Ngsimula na ulit na magsalita ang babae at muling natong kung sino pa ang gustong mag-perform sa unahan pero ni isang estudyante'y walang nag-perform kaya muling nagsalita siya "Sige, maghanda mina kayo at maya ko kayo ulit tatawagin," May pinakilala siyang lalaki at nagsimula ring magsalia sa unahan. Nang matapos, isang matanda naman ang sumunod, German Mercado ang kanyang pangalan.


          May mga estudyante na lumapot sa kanya nang matapos aiyang magsalita. Siya'y nasa gilid at may ginagawa. Tinanong siya ng isang estudyante kung ano ang maaaring maipayo nito sa mga kabataan na hindi aware sa pamahalaan." "Makinig sa balita, magabasa  ng diyaro, manuod ng TV at bumuo ng kanyang opinyon at magsalita at hindi dapat maging paaibo..." ani niya. "Prove your work", huli niyang sinabi at pinabalik kami sa aming pagkakaupo upang patuloy na makinig.


         "Sinong sasama sa inyosa candle lighting?" ani ng nagsasalita sa unahan at isa-isang binigyan ang mga estudyante ng kandilang nakalagay sa baso.


          May pinakilalang rapper ang nagsasalita sa unahan si Joel Bancay. Lumakad ito patungong unahan at nagpakilala, bago niya simulan ang kanyang rap. Iponaliwanag niya ang ibigsabihin nito. Patuloy sa pagrarap siya. 18 ba taong gulang siya at nag-aaral sa St. Anne College. "Last 2014 ako nagsimulang sumali sa organisasyon na ito." Masya niyang sinabi noong siya ay nagkukwento at kausap ng mga estudyante. Maraming nagpa-papicture at lumalapit sa kanya.


          Sa bandang kanan, patuloy na may nagpipinta, kasama sa nagpipinya si Jasmone Lacerna, 20 years old. Noong 2013 siya nagsimulanh sumali sa organisasyon. "Ang pagpipinta ay hobby ko talaga," ani noya at patuloy sa pagkukwento. Guni-guri ang pangalan ng grupo na kanyang kinabibilangan. "Habang lumalaon, nalalaman ko kung bakit pinapaintindi nila sa akin." Nabanggit rin niya noong sila'y bumisita sa Pagbilao isang magsasaka sila, nang minsang umalis ang mga ito giniba ang bahay at pagbalik nila ay wala na silang bahay at kalat-kalat ang kanilang mga gamit. Ikinuwento rin niya ang tungkol sa isang lupa na pinaglaban ng mag-asawang matanda na may aakit at taga-ibang lugar at wala silang alam sa karapatan nila dahil hindi sila nag-aral. "Para sa akon, ako'y naawa sa mga kapanayan ko, syempre! Anong magagawa ko para matulungan ang mga tao upang maipaglaban ang karapatan nila?" ani ni Jasmine.


          Nang matapos ang mga estidyante sa pagtatanong sa kanya ay muli na itong bumalik sa kanyang ginagawa.


          Binigyan rin ang mga estudyante ng itim na tela "Itali ninyo kahit saan," ani nang nagbigay ng tela. Nilagay sa ulo, sa braso at king saan-saan pa.


          Pagabi at unti-unti nang nauubos ang mga estudyante. Tinuruan ang mga ito ng kanilang isisigaw habang sila ay magmamartsa.


          Pasado 6:37 na natapos ang kanilang pagmamartsa kasama ang ilang estudyante ng CEFI. Hawak ang ginuhit na nasa tela sila ay naglakad mula sa venue na pinagganapan patungo sa eskwelahan ng mataas na paaralan ng Quezon National High School, at muling bumalik sa Pacific Mall. "MARCOS! DIKTADOR! HITLER! TUTA!" ang maririnig sa kanila habang sila ay nagmamartsa.

"Sakunang Nalampasan ng mga Tao"





          

          Unti-unting nagdaratingan ang mga estudyante na nagmula sa paaralan ng Calayan Educational Foundation Inc. bandang mag-aalas-otso ng umaga araw ng Sabado ika-14 ng Enero taong 2017 sa harap ng SM Lucena, upang manuod ng sine at masaksihan ang direktor ng film. Nag-commerial muna bago masimulan ang pelikulang "Taklub" na umani ng maraming parangal. Nang nagsisimula na ang pelikula, ang ilang estudyante ay nanuod at sinubaybayan ang pelikula at ang ilan ay mukhang hindi interesado.


          Napakaraming sakuna ang maaaring dumating at gimbalin ang buhay ng tao, sakuna na maaaring makasira ng buhay at ari-arian ng isang tao.


          Tent mg pamilya ni Renato ay tinupok ng napakalaking apoy. Buong pamilya ay nasawi sa sunog at tanging siya lang ang natirang ligtas. Sa buhay ng tao, ang sakunang dumarating sa buhay ay walang pinipili, walang sinisino.


          Si Larry na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa bagyo, isang trahedya ang dumatinh, ang landslide, namatay ang tiyahin niya. Sa pagkamatay ng kanang tiyahin, nawalan siya ng pananalig sa Diyos. Katulad ni Larry hindi maiiwasan ng tao ang mawalan ng pananampalataya lalo na kung napakarami ng pagsubok sa buhay. Ang naging purpose ng direktor kaya ito ipinanuod at ipinalabas ang indie film na taklub.


         Si Bebeth na lumikom ng pera upang makatulong kay Renato, isang taong matulungin. Nawalan siya ng apat na anak at sumakabilang-bahay ang kanyang asawa, nang minsan siya ay nagpa-DNA test para mahanap ang mga katawan ng kanyang mga anak pero mabigo siyang makita. Sa mahigit isang daang bangkay wala ni isang nagmatch kaya hindi niya napigilang magtaas ng boses sa mga staff na nasa hospital. Dumarating sa tao na hindi na nila maihandle ang mga problema kaya sa puntong ito sila ay napupuno at umaawas na rin dahil sa mga problemang dumarating katulad kay Bebth na hindi na napiligilan ang emosyon.


         Hindi maiiwasan ang pagdating ng problema sa buhay ng isang tao. May mga taong nawawalan ng pag-asa't pananampalata, mga taong nawawalan nawawalan ng mga mahal sa buhay, mga taong kahit na anong bait, nawawala dahil nadadala na silang ng emosyon. Pero kahit na ano pang nangyari sa buhay ang lahat ay pagsubok at pagsubok lamang at patuloy parin ajg pagdating nito, ngunit ang lahat ay may hangganan at may katapusan.






         Sa pelikulang taklub ni Direk Brillante MA Mendoza, napakita ang ilan sa mga naging pagsubok sa buhay ng mga taong naninirarahan sa Takloban, ipinakita din kung paano bumangon ang bawat isa at muling nagsimula ng panibagong buhay.

"Ang Sanaysay"




Ang kahulugan ng sanaysay ay "nakasulat na karanasan ng isang sanay na pagsasalaysay" ayon kay Alejandro G. Abadilla. Ayon rin sa kanya nagmula ang sanaysay sa dalawang salita na ang 'sanay' at 'pagsasanaysay'. Ang sanaysay ay panitikang tuluyan na naglalahad ng mga sumusundo; kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makavuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.


Ang sanaysay ay nilikha upang magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, mga opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, alaala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.



Ang talambuhay ay tumutukoy sa buhay o mga piling pangyayari sa buhay ng tao, ito rin ay nasa uri ng sanaysay batay sa anyo ng sanaysay. Kaya ito ay maituturing na sanaysay na talambuhay.



Ang pinagkaiba ng pormal at impormal na sanaysay, sa pormal na sanaysay ay mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari samantalang sa pormal ba sanayasay ay mga sanaysay na karabiwang nagtataglay ng opinyon, kuro-kuro at paglakarawan ng isang may akda.




Sa malikhaing sanaysay, ito ay madalas na sulatin, Bakit? Dahil ito konsepto ay ang pagsasanob ng malikhaing pagkatha at pag-uulat. At ito rin ay nagsasalaysay ng totoo o hinding kathang-isip na gumagamit ng estratehiya at teknik ng malikhaing kwento. (Hidalgo2003,10).




Sa pag-aanalisa nina Lee Gutkind at Philip Gerard sa katangian ng malikhaing sanaysay. Para kay Gutkind, may mga basehan upang taglayin ang malikhain katulad ng mga sumusunod; pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat; pagninilay-nilay sa nakalap na datus; pagbabasa ng mga tekstong makatutulong sa pagsusulat at ang mismong akto ng pagsusulat. At ayon kay Gerard, una ito ay mayroonng malinaw (apparent) na sabjek at isang malalim (deeper) na sabjek. Pangalawa (timeleness). Pangatlo, pagsasalaysay ng kwento gamit sa estruktura. Pang-apat, isang pagmumuni-muni ng may-akda at ang panghuli ay pinahahalagahan nito ang sining ng pagsulat. (Gerard1996,7-11)




Sa dami ng taong tumatangkilik sa blog/blogging kaya ito itinuturing na malikhaing sanaysay. Ang blog ay nagmimistulang mga tala sa talaarawan o dyornal na mababasa sa Internet. Marami ang maaring magawa sa blog, katulad ng pagbablog ng mga tula, komiks at kwento bukod dito laganap rin ang paraan ng mga bloggers ang pagpapahayag ng kanilang damdamin at karanasan.




Ang mga isyu na lumitaw ukol sa pagsasanaysay sa Pilipinas ay, ang mga problema't suliraning kinahaharap ng bansang Pilipinas, tulad na ng teenager pregnancy, child labor at iba't-iba pang napapanahon na isyu. Isa na rito ang napapanahong isyu sa edukasyon ang K to 12 Program name, inaprobahan ng gobyerno kahit na kulang sa mga guro at hindi sapat ang materyalis para sa programa.




Ang naging ambag ng sanaysay bilang maging ayo ng panitikan ay ang masining, malikhain at makahuligang tala, saloobin, kaugalian, paniniwala, karahasan at pangyayari sa buhay, komunidad at lipunan na may iba't-ibang anyo, uri at katangian yumavog sa mga pinagdaanang panahon at patuloy ang ganitong pamumunga na maging yamang mana aa pag-usbong ng henerasyon.




Ang naging tunguhin ng sanysay sa kasaysayan ng Panitikang Pilipino, ay upang maipahayag ang bawat mahahalagang nagyayari sa kasaysayan sa bawat mahahalagang nangyayari sa kasaysayan sa bawat paglipas ng panahon. Ito ay naging daliyan ng ideolohiya sa pamamagitan ng pagsulat, pagsusuri, pagpapahayag ng karanasan at damdamon at iba pang pamamaraab upang maipahayag ang bawat karanasa't pangyayari.





Source: maamgare.blogspot.com
sanaysay.filipino.blogspot.com
https://mfacrbook.com/PANITIKANbyWIZARD/posts/

Module"Malikhaing sanaysay, Anyo kasaysayan at Antolohiya."